Tuesday, October 28, 2014

Pag-unlad

Ang mga tao noong sinaunang panahon ay nagsimula sa pagiging normal hanggang sa umunlad ang mga ito. Umunlad sila dahil sa pagsisikap ng kanilang pinuno at ng mga tao. Nadiskubre nila ang mga trabaho tulad ng pagsasaka, pangingisda, pangangaso, atbp. Nakagawa rin sila ng mga kasangkapan na maaaring gamitin sa araw-araw. Nakipagkalakalan sila sa mga ibang kabihasnan upang mas lalo silang umunlad. Ang iba namang kabihasnan ay nanakop upang sila ay umunlad at lumawak ang kanilang lupain. Sa kasalukuyang panahon, madalas rin tayo gumamit ng ganitong mga paraan para umunlad. Pagtatrabaho, pagkakalakalan, atbp. Kung wala ang mga ito, hindi tayo maunlad ngayon. Mahalaga ang mga ito dahil dito nagsimula ang pag-unlad.

No comments:

Post a Comment